Wednesday, August 10, 2011

Si Crush....:)


        Ano nga ba ang kahulugan ng crush?Marahil tayo ay may iba't ibang pananaw kung anu nga ba ang crush, ngunit para sa akin ang crush ay ang paghanga.Paghanga sa isang tao dahil sa kanyang mga katangian na iyong nakita.

                                    

             Ito ay si Illac Diaz siya ang aking hinahangaan, simpleng  tao,isang social entrepreneur, Executive Director ng MyShelter Foundation.Isang Pinoy na mas pinili ang pagtulong sa kapwa kaysa ang mamuhay ng magarbo para sa kanyang sarili.Nakatapos ng magandang kurso sa mga pribadong paaralan,marahil kung siya ay makikilala ng mas madaming tao ay iisiping mas nababagay siya sa posisyon na pang professional na malaki ang sahod, ngunit kabaligtaran pala ang kanyang ginagawa. Dahil siya ay tumutulong pa sa pagdevelop ng mga mas makakapagpagaan sa buhay ng tao. Isa nyang naimbento ay ang Rio Dome,isang uri ng bahay na maganda sa kalikasan at matipid pa at madami pang iba. Tunay ngang kaydami pang mga Pilipino din ang may concern sa kanilang bayan, at sana ay maging inspirasyon siya sa bawat Pilipino.

No comments:

Post a Comment