Sunday, August 14, 2011

sampung taon mula ngayon,heto na ako!!!

Sampung taon mula ngayon? anu na nga kayang naabot ko sa panahong ito? siguro ibabase ko muna sa mga plano ko... simple lang naman,una na dito sana nakatapos ako ng kolehiyo sa oras.At sampung taon mula ngayon masaya at buo padin ang aking pamilya,masaya ko pading nakakasama at nakakabonding ang aking mga kaibigan at Beybeyow.Ako ay may stable job na sa ibang bansa at nalibot ko na ang lugar na nais kong mapuntahan,una na dito ay ang Batanes nanaman syempre,gusto ko ay kasama ko ang aking pamilya o mga kaibigan dito.Naibibigay ko na ang gusto ng aking magulang at mga kapatid at higit sa lahat, siguro ay may sarili na ding pamilya, isang simpleng pamilya na buo,masaya at may pagbibigayan sa bawat isa.At sana ay matupad ang pangarap ko at ng mga mahal ko sa buhay.Sama sama parin sa pagdaan ng panahon.:)

Wednesday, August 10, 2011

Si Crush....:)


        Ano nga ba ang kahulugan ng crush?Marahil tayo ay may iba't ibang pananaw kung anu nga ba ang crush, ngunit para sa akin ang crush ay ang paghanga.Paghanga sa isang tao dahil sa kanyang mga katangian na iyong nakita.

                                    

             Ito ay si Illac Diaz siya ang aking hinahangaan, simpleng  tao,isang social entrepreneur, Executive Director ng MyShelter Foundation.Isang Pinoy na mas pinili ang pagtulong sa kapwa kaysa ang mamuhay ng magarbo para sa kanyang sarili.Nakatapos ng magandang kurso sa mga pribadong paaralan,marahil kung siya ay makikilala ng mas madaming tao ay iisiping mas nababagay siya sa posisyon na pang professional na malaki ang sahod, ngunit kabaligtaran pala ang kanyang ginagawa. Dahil siya ay tumutulong pa sa pagdevelop ng mga mas makakapagpagaan sa buhay ng tao. Isa nyang naimbento ay ang Rio Dome,isang uri ng bahay na maganda sa kalikasan at matipid pa at madami pang iba. Tunay ngang kaydami pang mga Pilipino din ang may concern sa kanilang bayan, at sana ay maging inspirasyon siya sa bawat Pilipino.

Ako bilang isang bagay...



                              Kung ako ay magiging isang bagay nais kong maging isang bituin,kaydaming bituin ngunit ito ay isa sa pinaka maningning na bituin ito ay ang Polaris o Pole star(ginagamit ito ng mga sinaunang tao upang matukoy ang kanilang kinaroroonan).
                              Katulad na lamang ng bituing ito, ako ay may matayog at maningning na pangarap para sa aking sarili't mga minamahal at nais ko ding maging gabay at inspirasyon sa aking mga kapwa. Kasabihan na sa atin na ang mga bituin ay kumukutitap,kaya tulad ng pagkutitap ng mga bituin ay kahalintulad nito ang aking buhay na may lungkot at ligaya.