Saturday, July 23, 2011

ako lang....


Ako nga pala si Ma-an Joyce Acapuyan Magtoto. Ipinanganak noong ika-26 ng Hulyo 1993,sa bayan ng Munoz Nueva ecija. Ako ngayo'y labing 17 taong gulang at kumukuha ng Bachelor of Science in Information Technology sa Cental Luzon State University. Simpleng tao,masayahin at may pagka palabiro ,mapagmahal sa pamilya't kaibigan at may takot sa Diyos. Hindi man ako masyadong kagandahan ngunit tiyak na ikay mahuhulog sa aking kabaitan.(haha) Hindi man ako sexy, ngunit pag iyong sinilayan mapapawow ka sa tingin pa lamang.(hehe) Hindi man ako palasimba pero LOVE ko si GOD at alam ko love nya tayong lahat. Hindi man ako perpekto, eh hindi padin ako perpekto, kasi wala naman yata taong perpekto diba.
                         Hilig ko ang pakikinig sa mga old lovesongs at reggae musics dahil sa totoo lang ayoko ng ibang mga kanta ngayon kasi nakakabingi at wala naman saysay kung minsan,mabuti pa nga ang mga luma nakaka relax pakinggan. Nakasanayan ko na din na tuwing gabi ay magpalipas ng oras habang nakatingin sa mga bituin dahil tuwing nasisilayan ko ang mga ito ay para nadin akong nasa kalawakan. Ang paborito kong mga pagkain ay kahit ano basta wag lang maanghang kasi ayoko talaga ng maaanghang lalo na ang sili.(awww..haha)Mahal ko ang mga kaibigan ko lalo na ang bestfriend ko dahil andyan siya palagi kahit anu ang mangyari,handang magbigay ng payo kung may problema at nagpapasaya tuwing malungkot na.Beybeyow ang tawagan ng aming nabuong grupo noong unang taon sa kolehiyo, kabilang dito sila She-Nica-April-Noemi-Nea-Mhel-Jobz-at Ako. Magkakasama sa kalokohan, tawanan at iyakan. Sa lungkot at ligaya walang iwanan.

Batanes
                         Pangarap kong makapunta sa ibat ibang magagandang lugar pero pinaka gusto ko dito,ito ay sa Batanes, napaliligiran ng tubig at nahahati sa mga isla. Ayon sa aking pagkakaalam eh ibang iba ang buhay dito kumpara sa mga urban places, dito'y kakaunti ang populasyon kaya naman tahimik at maaapreciate ng mga taong mahilig sa nature.Tunay ngang kay ganda pa din ng Pilipinas, ang kailangan lamang ay ito'y alagaan at pagyamanin.

No comments:

Post a Comment