Ano nga ba ang kahulugan ng isang pamilya? May ilang tao na ibinabase na pamilya sa isang magandang kahog puno ng pagmamahalan,kasiyahan,pagdadamayan at iba pang magagandang katangian'ngunit ganito lamang marahil ang nais ng ilang tao para sa kanilang pamilya ngunit mas maihahalintulad natin ang pamilya sa isang kahong walang laman,kailangan itong sidlan ng laman bago makakuha ng mga katangian. Kung nais nating magkaroon ng matibay, masaya at may pagkakaisang pamilya ay dapat muna tayong magtanim ng pagmamahal,pagkakaunawaan,at pagbibigayan upang kapag lumaon ay ito'y lumago.
Simple lang ang aking pamilya,kami'y hindi tumitingin sa mga nais lamang namin subalit kami'y tumitingin sa kung ano ba ang mas kinakailangan ng bawat isa sa amin, masaya na kami sa kung ano ang mayroon kami. Marahil lahat ng pamilya ay nagnanais ng maginhawa at masayang pamilya, ngunit kahit walang pera bastat magkakasama ay masaya na.Hindi man perpekto ang aking pamilya ngunit silay mahal ko,at tatanawin kong malaking utang na loob ang ginawang pagpapalaki ng aking pamilya sa akin,sapagkat pinalaki nila akong may pagmamahal at pag galang sa kapwa at higit sa lahat ay may takot sa Diyos.
Kami ay anim na magkakapatid at ako ang pinakahuli o bunso kung tawagin, at ang aking ama ay si Benedicto Magtoto Jr, isang elektrisyan, maunawaing ama,mapagmahal sa pamilya at isang huwarang ama na walang sawang nagtaguyod sa aming lahat.Kung minsan siya'y may pagka mainitin ang ulo ngunit kadalasan ay napakasweet na ama, kahit kami ay hindi na bata ay hindi padin sya nagsasawang itrato tulad ng kami ay bata pa.Tunay ngang ang ama ang haligi ng tahanan sila din ang nagtuturo ng pagmamahal. Ang aking ina ay si Elsa Magtoto, siya ang nag alaga sa amin simula ng kami ay isilang sa mundong ibabaw siya ang humubog ng aming pagkatao kasama ang aking ama,nagturo ng aming dapat malaman habang kami ay tumatanda, siya ang aming ilaw ng tahanan . Si Ate Mira ang panganay sa aming magkakapatid,marahil siya ay may kaliitan malaki naman ang kanyang puso,siya ay isang responsableng ate at tunay na may busilak na damdamin.Si Ate Melissa ang ikalawa, tahimik kung minsan ngunit masiyahin at mabait na kapatid. Si Ate Em ang ikatlo, isang masiyahin at mapagbigay na kapatid hilig niya ang mga gamit na pangpaganda at kung ano ano pa, siya din ay huwarang ina sa kanyang dalawang anak. Si Kuya Mak, ang nag iisang lalaki sa aming magkakapatid, mapagbigay at masiyahing kapatid at siya ang tumatayong ama namin sa tuwing wala ang aming ama. Si Ate Joy, siya ang panglima sa aming magkakapatid madalas na kasundo ko minsan din ay hindi isang mapagbigay at mapagmahal na kapatid. Kapwa lahat sila ay nakatapos na ng pag-aaral at ako na lamang ang hindi pa. At ang huli sa magkakapatid ay ako, ako ang bunso at ang pinaka mabait at pinaka mapagmahal na anak,mahal ko ang aking pamilya at gagawin ko ang lahat ng makakaya ko upang sila ay sumaya at para maging buo kami habang buhay. Ito lamang ang aking maikling pagpapakilala sa aking pamilya.
No comments:
Post a Comment