Sunday, September 4, 2011

Ang awit ng aking buhay.."KANLUNGAN"


Pana-panahon ang pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon?

Natatandaan mo pa ba
Nang tayong dal’wa ang unang nagkita?
Panahon ng kamusmusan
Sa piling ng mga bulaklak at halaman
Doon tayong nagsimulang
Mangarap at tumula

Natatandaan mo pa ba
Inukit kong puso sa punong mangga
At ang inalay kong gumamela
Magkahawak-kamay sa dalampasigan
Malayang tulad ng mga ibon
 
Ang gunita ng ating kahapon
Ang mga puno’t halaman
Ay kabiyak ng ating gunita
Sa paglipas ng panahon
Bakit kailangan ding lumisan?

Ngayon ikaw ay nagbalik
At tulad ko rin ang iyong pananabik
Makita ang dating kanlungan
Tahanan ng ating tula at pangarap
Ngayon ay naglaho na
Saan hahanapin pa?

Lumilipas ang panahon
Kabiyak ng ating gunita
Ang mga puno’t halaman
Bakit kailangang lumisan?

Ito ang napili kong bilang awit hindi lang ng aking buhay siguro ay karamihan ng tao sapagkat naiirelate ko dito ang mga pangyayari sa aking buhay,marami tayong nakikilalang tao,sa paglipas ng panahon ay hindi man sila lahat nagtatagal may dumadating din namang iba, ngunit naiiwan naman itong ala ala sa ating buhay.