Oh Sir Jayson, mahal kong guro.
Sadyang kaybuti mo at napakabait
Wala kang katulad at kapalit
Sa aming lahat wala nang hihigit.
"Ang Aking Dyornal"
Friday, October 7, 2011
Ang Aking mga Karanasan sa Filipino 110
ang aking karanasan sa subject na ito ay halo halo.. dahil sa una ay kinakabahan pa ako na kung sino ba ang magiging teacher ko, buti nalang nalaman kong si sir jayson pala ang teacer ko eh natuwa naman ako kasi naman alam ko na mabait sya at makakasundo ko sya kasi nga ay nakasama ko na siya nung ako ay high school dahil naging practice teacher namin sya. Madami din naman akong natutunan dito, exciting at masaya ang mga naging karanasan ko. Kaya kung kami lang ang tatanungin sana sa susunod na pasukan ay siya padin ang aming teacher.:) mamimiss ko siya.
Monday, October 3, 2011
Ang Sining ng Aking Pangalan
Mula nang siya ay aking nakilala
Anong saya ang lagi kong nadarama
At sa tuwing siya'y aking nakakasama
Naiisip na sana ay sa akin sya
Jowa ko na sana siya
Oh sobrang sakit isipin
Yaong aking kapalaran
Crush na nga lang nawala pa
Eto ako't nagdurusa!!!!
haha..
Anong saya ang lagi kong nadarama
At sa tuwing siya'y aking nakakasama
Naiisip na sana ay sa akin sya
Jowa ko na sana siya
Oh sobrang sakit isipin
Yaong aking kapalaran
Crush na nga lang nawala pa
Eto ako't nagdurusa!!!!
haha..
Si PNoy Para sa mga Pinoy
Si Ginoong Benigno Simeon Cojuangco Aquino o mas kilala bilang Noynoy Aquiono/PNoy ay ang kasalukuyang pangulo ng Republika ng Pilipinas. Siguro, ang kasalukuyang Pangulo ng Pilipinas ngayon ay naghahangad ng malaking pagbabago para sa ikauunlad ng ating bayan, ngunit hindi natin maikakaila na may mga negatibong bagay din na hindi maiiwasan na tinataglay ng ating Pangulo. Isa na dito ay ang kanyang paninigarilyo. Marami ang nagsasabi na kung gusto ng pangulo na magbago ang kanyang mga tao dapat na simulan nya sa kanyang sarili, isa na nga dito ang pagtigil nya sa kanyang bisyo. Ngunit kahit na ganito, ginagawa naman siguro nya ang kanyang makakaya para mapaunlad ang bayan sabi nga nya, hindi naman kailangan ipakita ang kanyang mga ginagawang mga proyekto para magpapogi sa mga tao. Sana naman magbago nang tuluyan ang mga nanunungkulan sa pamahalaan, at nang umunlad ang ating bayan.
Sunday, September 4, 2011
Ang awit ng aking buhay.."KANLUNGAN"
Pana-panahon ang pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon?
Natatandaan mo pa ba
Nang tayong dal’wa ang unang nagkita?
Panahon ng kamusmusan
Sa piling ng mga bulaklak at halaman
Doon tayong nagsimulang
Mangarap at tumula
Natatandaan mo pa ba
Inukit kong puso sa punong mangga
At ang inalay kong gumamela
Magkahawak-kamay sa dalampasigan
Malayang tulad ng mga ibon
Maibabalik ba ang kahapon?
Natatandaan mo pa ba
Nang tayong dal’wa ang unang nagkita?
Panahon ng kamusmusan
Sa piling ng mga bulaklak at halaman
Doon tayong nagsimulang
Mangarap at tumula
Natatandaan mo pa ba
Inukit kong puso sa punong mangga
At ang inalay kong gumamela
Magkahawak-kamay sa dalampasigan
Malayang tulad ng mga ibon
Ang gunita ng ating kahapon
Ang mga puno’t halaman
Ay kabiyak ng ating gunita
Sa paglipas ng panahon
Bakit kailangan ding lumisan?
Ngayon ikaw ay nagbalik
At tulad ko rin ang iyong pananabik
Makita ang dating kanlungan
Tahanan ng ating tula at pangarap
Ngayon ay naglaho na
Saan hahanapin pa?
Lumilipas ang panahon
Kabiyak ng ating gunita
Ang mga puno’t halaman
Bakit kailangang lumisan?
Ay kabiyak ng ating gunita
Sa paglipas ng panahon
Bakit kailangan ding lumisan?
Ngayon ikaw ay nagbalik
At tulad ko rin ang iyong pananabik
Makita ang dating kanlungan
Tahanan ng ating tula at pangarap
Ngayon ay naglaho na
Saan hahanapin pa?
Lumilipas ang panahon
Kabiyak ng ating gunita
Ang mga puno’t halaman
Bakit kailangang lumisan?
Ito ang napili kong bilang awit hindi lang ng aking buhay siguro ay karamihan ng tao sapagkat naiirelate ko dito ang mga pangyayari sa aking buhay,marami tayong nakikilalang tao,sa paglipas ng panahon ay hindi man sila lahat nagtatagal may dumadating din namang iba, ngunit naiiwan naman itong ala ala sa ating buhay.
Sunday, August 14, 2011
sampung taon mula ngayon,heto na ako!!!
Sampung taon mula ngayon? anu na nga kayang naabot ko sa panahong ito? siguro ibabase ko muna sa mga plano ko... simple lang naman,una na dito sana nakatapos ako ng kolehiyo sa oras.At sampung taon mula ngayon masaya at buo padin ang aking pamilya,masaya ko pading nakakasama at nakakabonding ang aking mga kaibigan at Beybeyow.Ako ay may stable job na sa ibang bansa at nalibot ko na ang lugar na nais kong mapuntahan,una na dito ay ang Batanes nanaman syempre,gusto ko ay kasama ko ang aking pamilya o mga kaibigan dito.Naibibigay ko na ang gusto ng aking magulang at mga kapatid at higit sa lahat, siguro ay may sarili na ding pamilya, isang simpleng pamilya na buo,masaya at may pagbibigayan sa bawat isa.At sana ay matupad ang pangarap ko at ng mga mahal ko sa buhay.Sama sama parin sa pagdaan ng panahon.:)
Wednesday, August 10, 2011
Si Crush....:)
Ano nga ba ang kahulugan ng crush?Marahil tayo ay may iba't ibang pananaw kung anu nga ba ang crush, ngunit para sa akin ang crush ay ang paghanga.Paghanga sa isang tao dahil sa kanyang mga katangian na iyong nakita.
Ito ay si Illac Diaz siya ang aking hinahangaan, simpleng tao,isang social entrepreneur, Executive Director ng MyShelter Foundation.Isang Pinoy na mas pinili ang pagtulong sa kapwa kaysa ang mamuhay ng magarbo para sa kanyang sarili.Nakatapos ng magandang kurso sa mga pribadong paaralan,marahil kung siya ay makikilala ng mas madaming tao ay iisiping mas nababagay siya sa posisyon na pang professional na malaki ang sahod, ngunit kabaligtaran pala ang kanyang ginagawa. Dahil siya ay tumutulong pa sa pagdevelop ng mga mas makakapagpagaan sa buhay ng tao. Isa nyang naimbento ay ang Rio Dome,isang uri ng bahay na maganda sa kalikasan at matipid pa at madami pang iba. Tunay ngang kaydami pang mga Pilipino din ang may concern sa kanilang bayan, at sana ay maging inspirasyon siya sa bawat Pilipino.
Subscribe to:
Posts (Atom)